ANG TURISMO NG BARANGAY
Nag-umpisa ang pagpapaunlad at pagpapakilala sa turismo ng Villa Ibaba taong 2020. Sa pamamagitan ng paanyaya ni Sir Ricardo Saniel, Teacher-In-Charge ng noo’y Villa Ibaba Elementary School kay SK Chairman Rizaldy Briz, pinlano nila ang pagsasaayos ng daan mula talon ng Ginhawa, papuntang talon ng Hobilyuhan. Nagkaroon ng pagsasaayos ng daan kasama ang mga kabataan at ang grupong Vikings noong Oktubre 2020. Inimbitahan kalaunan ang Tanggapan ng Turismo ng Atimonan sa pamumuno ni Sir Nesler Almagro para mabisita ito, pati na rin ang mga talon sa Forest Zone, at nagkaroon ng geo-tagging. Pumasa sa Sangguniang Barangay ng Villa Ibaba ang resolusyon na inakda ni SK Chairman Rizaldy Briz na nagtatag ng Komitiba sa Turismo at kalaunan ay siya ring napili na maging Tagapangulo nito, kasunod nito ay ang ordinansang pambarangay na naglalatag ng balangkas ng alituntunin ng turismo sa Barangay.
2021 nang manalo bilang Mutya ng Atimonan si Shiela May Ambon. Naging focus ng panukalang proyekto ang pagkokonkreto ng daan sa Forest Zone upang mas maging madali ang pagpunta ng mga turista. Bago pa nito, taong 2019, sa panunguna ng Sangguniang Kabataan at Villa Ibaba Youth Circle nakakapagdaos na rin ng patimpalak na Mutya ng Villa Ibaba sa unang pagkakataon ang Barangay kung saan tinanghal na titulo si Jamaica Leal.
Taong 2021 din nag-umpisang tumanggap ng mga lokal na turista ang Villa Ibaba para bisitahin ang mga atraksyong panturismo ng Villa Ibaba. Ginanap ang unang pagsasanay para sa mga trekker guide sa bagong tayong covered court sa Sitio Tabuan. Tanggapan ng Turismo ng Atimonan ang nagsagawa ng pagsasanay, kung saan karamihan sa mga naging aplikante ay mula sa grupong kabataang Vikings.
Narito ang mga karagdagang inpormasyon nang destinasyon panturismo:
FOREST ZONE WATERFALLS
Ang Forest Zone Waterfalls ay matatagpuan sa bundok na nasasakupan ng Sitio Tabuan Brgy. Villa Ibaba ito ay may tatlong magkakasunosunod na talon
na ang sukat ng unang talon (Height: 44 ft. Width: 37 ft.), ikalawang talon (Height: 96 ft. Width: 80 ft.) at ang ikatlong talon (Height: 155 ft. Width: 71 ft.), sa pinakaitaas na bahagi ay matatagpuan ang tanatawag na "infinity pool" dahil sa napakanda ng tanawin rito at dito ay mayroon pang bunos na dalawang maliliit, at para marating ang Forest Zone Waterfalls mula sa Barangay Hall ay lalakarin nang 45 minuto o 1 oras, halos pantay ang dadaanan dahil ilog ang tatahakin pagdating sa nasabing talon ay bubungad na ang unang talon at dito mula dito ay makikita muna ang ikalawang talon matatapos ay aakyat sa gilid ng bundok upang masilayan ng malapit ang ganda ng Forest Zone Waterfalls.
Samantala, ang Carinay Waterfalls ay matatagpuan sa Sitio Carinay, maaari mong maabot sa pamamagitan ng paglalakad ng 45 minuto at 1 oras.
HOBILYUHAN & GINHAWA WATERFALLS
Location: Sitio Tabuan Brgy. Villa Ibaba Atimonan, Quezon
20-30 minutes walk from Barangay Hall
Hobilyuhan Waterfalls
Height: 60ft
Width: 43ft
Ginhawa Waterfalls
Height: 85ft
Width: 48ft
CARINAY WATERFALLS
Location: Sitio Carinay, Brgy. Villa Ibaba
1 and ½ hours walk from Barangay Hall
6 tier waterfalls
No data on measurements
Ang Carinay Waterfalls at ang hobilyuhan at Ginhawa Waterfalls ay dalawang tier na talon at ngunit ang Forest Zone Waterfalls ang pinakasikat sa tatlong destinasyon ng mga turista kahit na ito ang pinakamalayo at mas mahirap lakbayin. Dadaan ka habang dumadaan ka sa ikalawang baitang malakas na tilamsik ng tubig mula sa itaas at ang infinty pool sa tuktok ng mga talon ay tiyak na sulit na bisitahin.
Para po sa mga nagnanais na pumunta sa destinasyong panturismo dito sa aming barangay, kinakailangan munang magbook dalawang araw bago mag travel.
Contact Us:
Para po mapuntahan ang Forest Zone Waterfalls ay kinakailangan po muna ninyong magbook sa link.
Book your schedule https://forms.gle/JTG37z9vnhgmehwCA
Ang Entry Fee ay nagkakahalaga ng Php300.00 para sa lima katao at kung sobra naman sa lima ay nangangahulugan ng pagdagdag gaya ng presyong nabanggit kasama na sa inyong binayaran ang trekker guide at iba pa.
Mga ipinagbabawal sa mga destinasyong panturismo.
➡️Bawal ang pagsira sa anumang itruktura, natural man o gawa ng tao.
➡️Bawal magiwan at magkalat ng anumang uri ng basura.
➡️Bawal ang maglagay ng anumang uri ng kemikal para sa anupamang layunin.
➡️Bawal ang pagdadala at pag-inom ng anumang uri ng inuming nakakalasing.
➡️Bawal ang pagsusugal.
➡️Bawal ang pagkuha ng anumang klase ng halaman, hayop o bagay na dito'y nanggaling.
➡️Bawal ang paglikha ng subrang ingay na nakakagambala sa daloy ng ekolohiy
No comments:
Post a Comment