KASAYSAYAN NG MABABANG PAARALAN NG VILLA IBABA
Noong 1917, iniisip ng mga magulang dito sa Villa Ibaba na magkaroon ng pribadong paaralan, kaya noong Hunyo, 1917 unang binuksan ang pribadong paaralan dito. Ang unang pansamantalang paaralan ay ang bahay ni G. Antonio Ortiz na nakatayo sa paanan ng bundok. Ang unang guro ay si G. Guado Rivera. Nagsimula sa Grades 1A, 1B at Grade 2.
Noong Hunyo, 1918 ay nagpalit ng guro, si G. Emilio Rivera, kapatid ng unang guro. Buhat nang taong ito inisip o nagkaisa ang mga magulang na gumawa ng bahay nayon at tuloy paaralan sa lupa ni G. Quirico Ortiz makalipas ang dalawang taon.
Hunyo, 1920, ang paaralan ay inilipat sa Public School sa dating bahay Paaralan, ang guro ay si G. Urtal.
Hunyo, 1921 napalitan ang dating guro na si G. Benito Juego. Buhat sa taong ito, nadagdagan ang mga mag-aaral na buhat sa Sitio Patugutan at Halupag. Tumagal ito ng tatlong taon.
Hunyo, 1924 napalitan na naman ang guro. Si G. Vicente Lavides ang humalili.
Hunyo, 1926 si G. Castor Alvano naman ang naging guro. Tumagal siya ng dalawang taon sa kanyang puwesto.
Noong 1928 ay nasarhan ang paaralan. Gayunpaman, sinikap ng mga magkakanayon na mabuksang muli ang paaralan. Kaya ang paaralan ay napalipat sa pribadong paaralan na kung tawagin ay Burgos Academy. Gumawa ng bagong paaralan sa lupa rin ni G. Quirico Ortiz.
Hunyo, 1929 ang naging guro ay si G. Castor Almagro.
Hunyo, 1930 dumami ang mga mag-aaral kaya’t naging dalawa ang guro, si G. Gregorio Atienza ay ipinadala ni G. Diaz. Nagkaroon ng Grade III.
Hunyo, 1932 lalong dumami ang mga mag-aaral. Nagkaroon ng Grade IV at Grade V. Pinadalhan uli ng isa pang guro, si G. Olimpio Villasin at si G. Catalino Villanueva samantalang si G. Atienza ay tumigil na.
Hunyo, 1933 si G. Villanueva ay tumigil at nakapalit niya si Bb. Purification Manalo.
Hunyo, 1944 nang si Bb. Manalo ay hinalinhinan ni Bb. Bonifacia P. Ricafort,.
Hunyo, 1935 naging guro sa Grade I at Grade II si Gng. Bonifacia A. Ortiz; sa Grade III at Iv si G. Almagro at sa Grade V si G. Villasin.
Hunyo, 1936 si Bb. Caridad Ortiz ang pumalit kay Gng. Ortiz.
Hunyo, 1937 si Bb. Trinidad Tarronas naman ang pumalit kay Bb. C. Ortiz.
Hunyo, 1939 nabawasan ang eskwela at nabawasan din ang guro. Nawala nag Grade IV at Grade V sa pamamahala ni G. Villasin, natira si Bb. Tarronas na Grade II at si Bb. Urbana Silvestre sa Grade I at Grade II.
Hunyo, 1940 si Bb. Fe Benito ay napapalit kay Bb. Tarronas. Nagugulo na naman ang paaralan.
1941 – nawalan ng eskwela dahil sa gulo hanggang sa dumating ang mga hapon dito sa Pilipinas at tuluyang napinid ang paaralan.
1945 – binili ng ilang magkakanayon ang lote ni G. Pio Rosalda upang idonor sa gobyerno o pamahalaan na siya ngayong kinatitirikan ng kasalukuyang paaralan.
Hunyo, 1947 nabuksang muli ang paaralan sa Sitio Carinay sa bahay ni G. Macario Nierva at sa pamamahala ng Public School. Ang naging guro ay si G. Gregorio Atienza.
1948 – Si G. Villamiel ay pinalitan ni G. Mario Epino. Dahil noong panahong yaon ay magulo dahilan sa maraming HUKBALAHAP, kaya ang nayong Caridad at Villa ay naging Military Zone. Ang eskwela dito ay napalipat sa Tagbakin. Napatigil muna ang Paaralan. Binigyan ang mga bata ng pagkakataong pumasok kahit saang paaralan. Lumipas ang ilang taong at nang muling magkaroon ng katahimikan sa nayon ay sinikap ng mga magkakanayon na maituloy ang donasyon na dili iba’t ang lote ni G. Pio Rosalda.
1960 – Binigyan ng Magsaysay Pre-Fab at nabuksang muli ang paaralan sa pamamahala ng Public School. Ang guro ay si G. Catalino Villanueva. Ang mga taong nayon ay nagbalik na muli rito.
1962 – Ang mga guro ay sina G. Villanueva at Bb. Trinidad Reyes.
1963 – Ang mga guro ay sina G. Villanueva at Bb. Lolita Saniel.
1964 – Ang mga guro ay sina G. Villanueva at Bb. Anda.
1965 – Ang mga guro ay sina G. Villanueva at Bb. Letecia Aguilar.
1966 – Pumalit si Bb. Parafina kay Bb. Aguilar.
Hunyo, 1968 – Binigyan ng Marcos Pre-Fab. Ang mga guro ay sina Gng. Letecia Ortiz at Gng. Trinidad Sares.
Hunyo, 1969 – Ang guro ay sina G. Amorsolo Gonzales at Gng. Ortiz.
Hunyo, 1970 – Ang guro ay sina G. Isidro Veranga at Gng. L. Ortiz.
Hunyo, 1971 – Ang guro ay sina G. Gonzales, Gng. Ortiz at Bb. M. Parco.
Hunyo, 1972 – Ang mga guro ay sina G. Gonzales, Gng. L. Ortiz at Gng. Descalaye, si G. Pio Ricardo ang Ulong Guro ng panahong ito.
Hunyo, 1973 – Ang mga guro ay sina G. Gonzales, TIC, Gng. L. Ortiz at Bb. Engracia Mangaba hanggang noong 1975.
Hunyo, 1976 – Ang mga guro ay sina G. Gonzales, Bb. Parco, Bb. Mangaba. Sinikap ng pangulo na si G. Hermogenes Ortiz, Kapitan ng Barangay at mga guro na magkaroon ng Grade IV kaya ito ang kauna-unahang pagtatapos sa ika-6 na baitang sa Villa Ibaba.
Hunyo, 1977 – Ang mga guro ay sina G. Gonzales sa Grade I at II; Bb. Mangaba sa Grade III at IV at Bb. Parco sa Grade V at VI.
Agosto, 1977 – Pumalit si Bb. Lourdes Amado kay Bb. Parco sa Grade V at VI, samantalang noong Setyembre noong taong ding iyon ay napalitan ni Bb. Felecitas Decena (Subst.) si Bb. E. Mangaba na napalitan rin ni Gng. Erlinda Amores noong Disyembre 1977. Pagkaraan ng isang taon ay pumalit naman si Gng. Ester I. Guanzon (Subst.) hanggang sa matapos ang taong paaralan 1978-1979 kapalit ni G. Amorsolo M. Gonzales na napalipat sa Caridad Ilaya.
Taong 1979-1983, pinalitan ni G. Edgardo G. Canales bilang Ulong Guro si Gng. Librada A. Alvarez. Kasama niyang mga guro ay sina Bb. Teresita Camunas, Bb. Lerma Lingcoran at Gng. Ester Guanzon (1981-1983)
Taong 1983-1988, si G. Rosauro L.Amores ang naging Gurong Namamahala ng Paaralan kapalit ni G. Edgardo G. Canales. Nakasama niya sina Bb. Nenita Urtola (1983-1987) Bb. Jasmin V. Mata (1986-1987) at Gng. Nerissa Villanueva (1986-1988)
Taong 1988-1993, pinalitan ni G. Renato Malapitan bilang Gurong Namamahala ng Paaralan kapalit ni G. Rosauro Amores. Ang mga nakasama niyang guro ay sina Gng. Nerissa Villanueva (1986-1993), Gng. Rosario Samonte (Subst.) simula Nov. 1998 – Jan 7,1990. Dito na siya naging permanent Teacher noong Nobyembre 19, 1991 at si Gng. Mitos Saniel (1990)
Taong 1993 -1996 – Si G. Rodrigo A. Reyes ang pumalit kat G. Malapitan bilang Gurong Namamahala na napalipat sa Caridad Ibaba bilang isang Ulong Guro. Siya ang naging OIC ng paaralan. Ang mga kasama niyang guro ay sina Gng. Nerissa Villanueva (1993-1994), Gng. Rosario Samonte (1993-1995) na pinalitan ni Bb. Rosemarie Almeyda sa loob ng tatlong buwan (1995) na pinalitan naman ni Gng. Carmen Deguero (1995-1996) dahil si Bb. Almeyda ay napalipat sa Malinao Ilaya at si G. Anthony Q. Ayoso (1995-1996). Nadagdagan ang school building dito, ang Fabella Building.
Taon 1996 hanggang Nobyembre 19,1996, pinalitan ni Gng. Marilyn M. Firme, dating Bb. Marilyn Mercadijas si G. Rodrigo A. Reyes na napalipat sa ACS-I. Siya ang naging OIC ng Paaralan simula Nobyembre 1996 hanggang Pebrero 2005. Siya ang naging guro ng Grade V at Grade VI. Nabigyang muli ng isang School Building ang Paaralan, ang FVR Building. Nagkaroon ng covered court ang paaralan sa tulong ng Local School Board Fund. Naging kongkreto ang kalahati ng school ground na siyang pinagtayuan ng covered court sa tulong ng isinagawang fund raising at Mr. & Ms. Valentines 1997-1998. Sangkapat ng bakod ng paaralan ay naging kongkreto na din sa tulong ng donasyon ng mga naging Guest Speakers, mga nagsipagtapos, at ng Local School Board Fund. Na-remodel ang Home Economics Building sa tulong ng PTCA Fund. Bagong repair din ang bubong ng stage ng paaralan at nadgdagan ang parting harapan kaya lumaki ng bahagya ang sukat nito sa tulong ng PTCA Fund ng paaralan.
Ang mga gurong nakasama niya ay sina:
Taon 1996-1997- Gng. Myrna Oflaria (Subst.) Grade I & II at Gng. Carmen A. Deguero – Grade III & IV.
Taon 1997-1998, Gng. Felipina F. Santander (Pre-Elem), Gng. Rosalie Parco (Grade I & II) at Gng. Carmen Deguero (Grade III & IV).
Taon 1998-1999, Bb. Agnes Villasin (Grade I & II), at Gng. Flora P. Segovia (Grade III & IV)
Taon 1999-2000, Bb. Erliza Camacho (Pre-Elem), Gng. Ester I. Villanueva (Grade I & II) at Gng. Flora Segovia (Grade III at IV)
Taon 2000-2001, Bb. Ma. Celia M. Bombani (Pre-Elem), Gng. Ester I. Villanueva (Grade I & II) at Gng. Ma. Angela Q. Escritor (Grade III & IV).
Taon 2003-2004, Sis. Marcelita A. Aurellana (Christian Living), Bb. Ma. Celia M. Bombani (Pre-Elem.), Gng. Ester I. Villanueva (Grade I & II) at Gng. Rosemarie V. Paunil (Grade III & IV)
Taon 2004-2005, Sis. Marcelita A.Aurellana (Christian Living) G. Ricardo F. Saniel (Pre-Elem.), Gng. Ester I. Villanueva (Grade I & II), Bb. Cherrylyn A. Berbon (Grade III & IV) – March 2004-2005 at G. Ricardo F. Saniel (Subst.) Grade III & IV.
Taon 2005, Sis. Marcelita A. Aurellana (Christian Living), G. Ricardo Saniel (Pre-Elem.), Gng. Ester I. Villanueva (Grade I & II), Bb. Cherrylyn A. Berbon (Grade III & IV) na pinalitan ni Gng. Josephine G. Concepcion noong Disyembre 12, 2005. Noong Pebrero 7, 2005 ay naging TIC o Gurong Namamahala si Gng. Marilyn M. Firme ng Paaralang Villa Ibaba at Villa Ilaya.
Taong 2006, Gng. Celia B. Soriano (Pre-Elem.), Gng. Ester I. Villanueva (Grade I & II), na pinalitan ni G. Darius Pareja noong Hulyo 24, 2006 at Gng. Josephine G. Concepcion Grade III & IV).
Taong 2007 – Agosto 6, 2007, pinalitan ni Gng. Teresita N. Paunil sa Gng. Marilyn M. Firme. Napalipat si Gng. Marilyn M. Firme sa ACSA bilang Ulong Guro. Sa pamamahala ni Gng. Paunil nagpatuloy magturo ng Pre-Elem. si Gng. Celia B. Soriano, Grade I & II si Gng. Nena S. Francisco, Grade V & VI si Gng. Josephine G. Concepcion, Grade III & IV si Gng. Teresita N. Paunil.
Agosto 19, 2007 – Giniba ang lumang gusaling Marcos Pre-Fab.
(Ang kasaysayang ito ay sa pananaloksik at inihanda ni Gng. Teresita N. Paunil noong Nobyembre 9, 2007)
Taon 2010 – Enero 27, 2010, pinalitan ni Gng. Luisa Ayapana si Gng. Teresita N. Paunil bilang Head Teacher ng Villa Ilaya at Villa Ibaba. Kasama niyang mga guro sina Gng. Celia B. Soriano (Kindergarten), Gng. Alicia Valdez (Grade I & II), G. Ricardo F. Saniel (Grade V & VI). Buwan ng Hunyo ng taon din iyon napalipat si Gng. Alicia Valdez sa Caridad Ibaba at pinalitan ni Gng. Charmaine Joy F. Lacuesta. Sa panahong ito nagpresenta si Bb. Rochelle A. Balagat na magturo sa ikatlo at ikaapat na baitang sa kadahilanang walang guro na ipinalit sa nasabing baitang sapagkat dalawa ang paaralang hinahawakan ng Ulong Guro.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Luisa P. Ayapana ay maraming pagbabago ang naganap tulad ng pagpipintura ng lahat ng kongkreton bakod ng paaralan, H.E. Building at mga bakod sa mga halamanan. Sa pagtutulungan ng mga masisipag na magulang nabigyang katuparang makapagpatayo ng isang silid-aralan mula sa pondo ng pamahalaan lokal sa pamumuno ni Kgg. Atty. Jose F. Mendoza. Dito din nagsimula ang proyektong bakod na may hugis na alon-alon, dagdag atraksyon at proteksyon sa mga halaman na pinatnubayan at binigyan ng pondo ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kapt. Johnny Ambon.
Taon 2011, pinalitan ni G. Carlito Bautista si Gng. Luisa P. Ayapana bilang Ulong Guro nang ito ay mapalipat sa Inalig/Angeles. Ipinagpatuloy ni Gng. Bautista ang mga proyektong pampaaralan na isinagawa ng dating namumuno. Ang kanyang mga nakasamang guro ay sina Gng. Celia B. Soriano (Kindergarten), Gng. Charmaine Joy F. Lacuesta na noon ay guro ng Grade ng Grade I, II & III hanggang sa dumating si G. Edilbert L. Cadelina noong taong ding iyon at siyang humawak ng Grade III & IV habang si Gng. Lacuesta ang Grade I & II, at si G. Ricardo F. Saniel ang Grade V & VI.
Taon 2012 nang pinalitan ni Gng. Desiree R. Sacramento si Gng. Charmaine Joy F. Lacuesta bilang guro ng Grade I & II at napalipat naman si Gng. Lacuesta sa Sta. Catalina Annex.
Enero 3, 2013 nang palitan ni G. Alejandro L. Ayusip si G. Carlito M. Bautista bilang Ulong Guro ng Villa Ibaba at Villa Ilaya. Si G. Bautista ay napalipat naman sa Sta. Catalina Annex habang si G. Ayusip ay nagmula pa sa bayan ng Tagkawayan. Ang mga gurong nakasama niya ay sina Gng. Celia B. Soriano (Kindergrten), Gng. Desiree R. Sacramento (Grade I & II) , G. Edilbert Cadelina (Grade III & IV) na pinalitan ni Gng. Ma. Kieren C. Latoga nang mapalipat si G. Cadelina sa ACS noong Pebrero18, 2014, at si G. Ricardo F. Saniel (Grade V & VI). Ipinagpatuloy ni G. Ayusip ang pagpapaunlad ng paaralan.
Taon 2014 nang madagdagan ang guro ng Villa Ibaba sa katauhan ni Gng. Josefina R. Rogelio bilang pansamantalang kahalili ni Gng. Ma. Kieren C. Latoga na kinakailangang magpahinga pansamantala. Sa kadahilanang nagtanggal ng volunteer teacher ang DepEd, nawalan ng guro ang Kindergarten sa Villa Ibaba at Villa Ilaya, kaya’t nang bumalik na sa pagtuturo si Gng. Latoga naging guro ng Kindergarten si Gng. Josefina R. Rogelio sa Villa Ibaba at Villa Ilaya.
Taon 2015 nang palitan ni G. Arnold L. Canales bilang TIC ng Villa Ibaba at Villa Ilaya ang Ulong Guro na si G. Alejandro L. Ayusip na napalipat sa Ponon Elementary School. Ang kanyang mga nakasamang guro ay sina Gng. Josefina R. Rogelio (Kindergarten), Gng. Desiree R. Sacramento (Grade I & II), Gng. Ma. Kieren C. Latoga (Grade III & IV), at G. Ricardo F. Saniel (Grade V & VI). Taong 2015 din ng madagdagan ng guro ang Villa Ilaya kaya si Gng. Josefina R. Rogelio ay sa Villa Ibaba na nagturo ng Kindergarten at Grade I.
Sa loob ng halos isang taong pamamahala ni G. Arnold Canales bilang Teacher In Charge, marami ring nagbago sa paaralan, tulad ng pagsasaayos ng mga bintana ng silid aralan ng Grade I at Grade II, Grade III at IV na ang budget ay nagmula sa MOOE. Nalagyan din ng grills ang bawat bintana at pintuan ng silid-aralan ng Grade I at II, Grade III at IV, at Grade V at VI. Naisayos din ang ICT Room mula sa pondong nanggaling sa LGU. Sa taon din ng kanyang pamumuno nabigyan ang paaralan ng set ng computers na naging malaking tulong sa mga guro at mag-aaral. Nawalan ng silid-aralan ang Kindergarten dahil sa ginawang ICT Room ang kanilang classroom. Sa tulong ng mga masisipag na magulang, naitayo ang pansamantalang silid-aralan na yari sa kawayan. S.Y. 2015-2016 nadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral kaya nabago ang hatian ng mga guro. Naging guro ng Kindergarten at Grade I si Gng. Josefina R. Rogelio, sa Grade II at III si Gng. Desiree R. Sacramento, sa Grade IV si Gng. Ma. Kieren C. Latoga at sa Grade V at VI si G. Ricardo F. Saniel.
Taong 2016 nang mapalipat si G. Arnold L. Canales sa Burdeos, Quezon bilang Ulong Guro kaya pinalitan siya ni G. Ricardo F. Saniel na nagtuturo rin sa Grade V at VI bilang TIC.