Ang bayan ng Atimonan ay binubuo ng 42 barangay sa kasalukuyan, sa dakong hilagang-kanluran sa baybayin ng Lamon Bay ay matatagpuan ang Barangay Villa Ibaba. Pangalawa sa pinakangdulong kanluran ng Atimonan sa baybayin ng Lamon Bay, kasunod ng Villa Ilaya na kanugnog naman ng Barangay Sto. Niño ng bayan ng Mauban.
Noong unang panahon, ang pook na ito ay isa pang basal na kagubatan at dahil dito ay napakahirap ng paninirahan. Nang dumating ang mga Kastila, marami sa mga tao ay nilisan ang kabayanan upang takasan ang kalupitan ng mga dayuhan. Ang mga tao ay nagkahiwa-hiwalay, may angkanang nagpunta sa timog-silangan, mayroon sa kanluran at ang iba naman ay sa hilagang kanluran.
Ang angkan ng mga Villanueva ang siyang unang nagpunta sa hilagang kanluran na siyang kauna-unahang nagbungkal ng lupa sa pook na iyon. Dahil sa kanilang kasipagan, sila ay pinagpala ng Maykapal at biniyayaan ng masaganang ani, hindi lang ng palay ngunit gayun din ng iba pa nilang pananim. Dahil dito’y napabantog ang magandang kapalaran ng angkanang ito kaya’y unti-unting naakit ang iba pang angkanan namagbukid sa pook na ito.
Lumipas ang mga taon, ang lupain ng mga Villanueva ay lumawak nang lumawak dahil sa kanilang kasipagan at tiyaga, dahil dito ang pook ay nabansagang Villa. Nalagas ang maraming taon sa tangkay ng panahon, ang pook na ito ay patuloy na dumami ang mga naninirahan. Kung magkaroon ng mahalagang pulong, kadalasan hindi nakakadalo ang mga taga-malayo dahil ayon sa marami ay hindi nila naririnig ang tunog ng tambuli na siyang naghudyat ng gaganaping pagpupulong, kaya sa isang pulong na naganap ay napagkasunduan ng mga tao na bahaginin ito sa dalawa, ang dakong ibaba na malapit sa kabayanan ay tinaguriang VILLA IBABA at ang dakong ilaya ay tinawag na VILLA ILAYA.
Ito ang mga naging Kapitan del Baryo
1. Nemesio Calcetas
2. Valentin Santander
3. Nicasio Marasigan
4. Lazaro Alegre
5. Inocentes Saniel
6. Crispulo Escasa
7. Juancho Ortiz
8. Fabio Almagro
9. Perfecto Atienza
10. Vicente Calcetas
11. Gerardo Saniel
12. Dioscero Ortiz
13. Benito Verastigue
14. Dioscero Escasa
15. Buanaventura Saniel
16. Hermogenes Ortiz
17. Juan Escasa
18. Crispin Santander
19. Feliciano Atienza
Karagdagang impormasyon:
Ang Barangay Villa Ibaba ay pangatlo sa may pinakamalaking lupang nasasakop na mayroong land area na 1,285.5300 hectares, sumunod ang Villa Ilaya bilang pangalawa, at Sta. Catalina bilang pinakamalaki. Mayroon dalawang sitio ang Villa Ibaba; ang Sitio Tabuan at ang Sitio Carinay.
Ang Villa Ibaba noong una, kagaya ng Villa Ilaya ay resettlement. Ang mga Ortiz ang isa sa mga angkan na unang nanirahan dito. Si G. Gregorio Orda, o kilala rin sa katawagan na “Matandang Orda” ang inatasan ng mga tao na magpatitulo ng mga lupa, na kalaunan ay ibinenta rin sa kanya.
Si G. Pita ang naatasan na magsukat ng mga lupain, ito ay sa atas na rin ng pamahalaan.
Ang pinagmulan ng pangalang ‘Tabuan’ ay dahil sa “tabuan ng tubig” sa naturang lugar na malapit sa ilog kung saan “tumatabo” ang mga mamamayan at mga piratang moro kahit noong unang panahon pa. Ang pinagmulan naman ng ‘Carinay’ ay halaw sa pangalan ni G. Macario Nierva o kilala rin sa tawag na ‘Cari’ na may-ari ng lupa sa bahaging iyon.
Ilan pa sa mga kilalang lugar at landmark sa Villa Ibaba ay ang: Pangaw, Peña Monte, Purison o Forest Zone, Hobilyuhan, Ipit, Pulang-sapa, at Mag-asawang bato.
Pangaw: Dulong bahagi ng Barangay papuntang Villa Ilaya. Halaw sa pangalan ni G. Pangawitan na may-ari ng naturang lupa.
Peña Monte:
Purison o Forest Zone:
Hobilyuhan:
Ipit:
Pulang-sapa:
Mag-asawang bato:
Sa kasalukuyan, mayroong pitong purok ang Villa Ibaba. Lima sa Sitio Tabuan, at dalawa sa Sitio Carinay.
Ito ay ang mga sumusunod Purok Magsikap o Asuncion, Purok Matinik, Purok Ilang-Ilang, Purok Sampaguita, At Purok Balite sa Sitio Tabuan. Habang Purok Masagana at Purok Nagkakaisa sa Sitio Carinay.
Noong una, mayroong umiiral na kasunduan na ang lider ng Barangay ay palitan ang taga-Tabuan at taga-Carinay. Kung ang lider sa kasalukayang termino ay taga-Tabuan, papalitan ito ng taga-Carinay sa kasunod na termino; hanggang sa sumapit ang panahon ng hindi pagkakasundo at nasira ang ganoong tradisyon. Ang mga prominenting namuno noong panahong iyon ay ang mga apelyidong Santander, Escasa, at Ortiz mula sa Tabuan; habang ang Saniel, Escasa, at Atienza na mula sa Carinay.
Noong 2012, nagkaroon ng panukala at mga pagdinig tungkol sa pagtatayo ng power plant sa Villa Ibaba ng Atimonan One Energy Inc.
Habang noong 2016, kaugnay sa paghahanda sa itatayong planta, nag-umpisa ang pagrerelocate ng mga naninirahan sa Sitio Carinay sa Purok Balite. Tinawag ang relocation site na New Carinay Relocation Site